nuffnang

Tuesday, March 26, 2013

Get Dirty, Have Fun at Philip's Sanctuary.. :)

This is actually a late post... We had our team building at Philip's Sanctuary last year, but nonetheless I'd like to share my story... Allow me to share with you this experience in TAGALOG cause I'm sure it'll be a lot more fun... :)

Napagtripang mag team building ng department namin... Kaya isang maulang sabado, tumulak kami papuntang Philip's Sanctuary para pahirapan ang aming mga sarili.



 divided kami sa 4 rambol rambol groups....

Team Blue Lagoon (Blue Team)
Team Luntian (Green Team)

Team Yellow Kitty (Yellow Team)
Team Kalayo (Red Team)










Dami naka line up na activities and obstacles... Ang linis pa namin dito diba? Wait and see kung ano mangyayari...

WARM UP ACTIVITIES


CHEERING

FLAG MAKING

Waley kami sa cheering at flagmaking... Pero itong next warm up activity, bumawi naman kami...

Picture Me
Dito nanalo na kami... Puro kasi kalokohan pinaglalagay namin sa picture.. Mechanics ng game is magbibigay ng scenario yung game master then gagawa yung group ng parang picture frame nung scenario na yun... Basta ganun... :) After nito, ZIP LINE naaaa.... :)


mukha lang ako hindi natuwa pero enjoy ang zipline... :)

EASY ROUND


Centipede Walk a.k.a ang makaladkad kawawa
Kelangan di maputol yung centipede habang umiikot. at dapat sa pinakamabilis na time... E wala kami kalaban, kaya relax relax lang... :)

Acid River
kelangan makatawid from one end to the other ng walang nalalaglag... at kelangan kasama yung mga kahoy sa pagtawid.

Unity Walk
aaahh, yan alam nyo na mechanics nyan diba? hehehe

Pagkatapos ng Easy Round, Difficult agad agad....

DIFFICULT ROUND


Spider Web
Ang objective ay maitawid lahat ng players sa mga butas ng di gumagalaw yung web or di tumatama yung katawan sa web.

10 Feet Wall
Kelangan maitawid kami lahat dun sa wall.. Sakit lang sa katawan nito.. May rope naman sya pero ang una at huling tao lang ang pwedeng gumamit.

Tight Rope
Ang goal ay makatawid sa kabilang dulo ng di nalalaglag... Kasi andumi ng tubig oh.. kawawa naman pag nalaglag...

Log Balance
ayan, tatawid din.. E dis-balanse ako kaya ayun, laglag... dun kayo sa kabilang log dapat kasi mas panatag yun... :)

Hanging Bridge

Low Rope Courses

River Rafting
And last but definitely not the least, yung obstacle kung saan literal kaming gumapang sa lusak...

Cargo Net

Log Balance Again

Gumapang ka sa lusak "Mud Crawl"
after naming gumapang sa lusak, eto na kami ngayon....


Pagkatapos ng lahat, ganito ang aming kinalabasan. Mahirap man ang aming mga pinagdaanan, lahat kami'y nakangiting tinapos ang laban... Isang masayang experience ang team building na ito... Idagdag mo pa ang bagyo e talaga namang tanggal lahat ng arte namin sa katawan... :) Try nyo din... :)